Monday, January 25, 2010

Reaction Paper in Religion

Alviar, Chrisia Loucel S. I – St. Dominic

Reaction Paper in Religion

Noong ika - labing siyam ng Enero palang ng gabi ay nag-ayos na ako ng gamit na mga dadalhin para sa recollection. Pinadadala kami nang mga sumusunod: Bibliya, ID, nametag, art materials katulad ng scissors, glue at iba pa. Kailangan din ng ballpen, pictures mo at ng family mo. Kinabukasan, January ng ika – dalawampu, 2010 kami ay nagrecollection sa Diocesan Curra Center Sucat, Paranaque. Gumising ako ng maaga para hindi ma-late sa pagpasok dahil baka iwanan ako ng bus pag wala pa ako doon. Nag-alarm akosa aking cellphone at pagka-alarm ay bumangon ako kaagad at naligo pero ako muna ay nag-init ng tubig para hindi ako malamigan sa tubig dahil mabilis akong malamigan, lalo na medaling araw pa iyon. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako at kumain, pero hindi ako nakapasok ng maaga dahil inantay ko pa ang aking kapatid sa pag-aayos kaya medyo tanghali narin ako nakapunta sa school.


Pagkapasok ko sa gate ng school ay madami na rin akong nakitang mga kaklase ko na naka- intrams shrt na kulay lilac. Pero okay ng pala na medyo na-late ako dahil ang isa kong kaklase na si Yvana ay mas na-late pa kaysa sa akin dahil super traffic daw eh, mga pass 7:00 na ata siya nakarating sa school. Kailangan nga daw dapat before 7:00 nandoon na pero mga 7:15 am na ata kami nakaalis sa eskwelahan. Noong kumpleto na kami ay nag-line formation na kami, naglakad na kami papunta sa labas at pumasok sa bus na aming sasakyan patungong Sucat, Paranaque.

Kasama naming sa bus ang aming adviser na si Sir Theo para samahan kami at kasama rin naming si Sir Naz sa bus at iba pang tatlong fascillitators na mag-gguide din samin. Habang kami ay nasa biyahe papuntang Sucat, Paranaque, kami ay nagdasal ng rosary na ang nag- lead ay si Dixie Erispe at Nash Tongio. Nang nakarating na kami sa Diocesan Center, nalaman ko na maganda pala ang aming pag-rerecollectionan at ito rin ay malinis na parang hotel ang style ng mga facilities. Pagdating naming ay bumaba kami at nagform ng line para umakyat na sa taas. Pagka-akyat namin ay pinaupo kami sa monoblock na upuan. Una, tinanong sa amin ni Sir Naz kung ano ang purpose naming kung bakit kami nandoon, pagka hindi daw kami nakasagot ay hindi kami pupunta sa susunod na mga activities.. Tinanong kami isa-isa at ang sinagot ko naman ay para mas lalo pang mapalapit kay Lord. Pagkatapos naming sumagot ay pinakilala samin ni Sir Naz ang tatlong fascillitators na sina: Ate Donna, Kuya Mac at Kuya Jun. Pagkatapos saming ipakilala ay nagroup kami para sa susunod na aming activity, mag-isip daw kami ng pangalan ng family at pagkatapos ay gumawa dw kami ng sarili naming mga yell. Ang aming napiling pangalan ng family ay Villar family… Ang mga kasama ko sa Villar family ay sina Celina, ang aming leader, Jhaybelle, Ian, Ed Ryan, Edrian at ako. Ang mga pangalan naman ng ibang group ay ang mga susmusunod: Ayala family, Cullen family, Voulturi family, Aquino family, Ampatuan family, Jimenez family at ang Villar family. Ang aking kinabibilangang group. Pagkatapos naming gumawa ng yell ay kumain kami ng Baked Macaroni at Jungle Juice pero ang ibang hindi masyadong nagustuhan nina ate Donna, Kuya Mac, Kuya Jun, Sir Naz at Sir Theo ay hindi muna pinakain, kaya nilagyan nila ng energy ang kanilang cheer o yell para makakain. Ang family namin ay nakakain kaagad J… Pero ang matagal na nakakain ay ang Jimenez & Ampatuan family.

Ang title ng una naming ginawa ay “What’z in a word”

Listen ang word na ibinigay at pag jinumble daw ang word na listen ay may makikitang Silence.. May itinuro din saming kinds of noise, yung internal and external noise. Pagkatapos ay may binasa din saming kwento sa bible si kuya Mac tungkol sa Beatitudes at kami din ay nag-quiz. Kinuwento samin ang tungkol sa Johari’s Window ang Johari’s Window daw ay may apat na square, ang free, hidden, at nakalimutan ko na ang dalawa. Pagkatapos ay naglunch na kami at ang aming ulam ay…… Chicken B.B.Q!!! J Ang pinili kong part ay ang legs dahil yun ang favorite part ko sa chicken. Pagkatapos naming kumain ng lunch ay pinakuha samin ang mga art materials at pictures para sa susunod naming activity na ang Title ay Pictures of me & my family. Pinagawa kami ng scrapbook at pagkatapos ay ish-share daw naming sa ka family groupmates namin, kung ano pangalan ng members of your family, occupation of your mother & father at iba pa at pagkatapos ay tinuruan kami ng steps sa sayaw ni kuya Mac at tinuruan niya rin kami ng mga actions sa kantang “Only Selfless Love” habang kumakanta ay nag-aaction kami. Pagkatapos ay may sinabing story si Ate Donna sa amin na nakakaiyak, habang kami ay nakayuko at nakapikit… Pagkatapos ay pinasulat kami sa isang papel ng prayer para sa aming family.

Pagkatapos ay bumaba na kami at dumeretso sa chapel ng Diocesan. Doon ay nagpractice kami ng mga kakantahin para sa mass habang iniintay namin si Fr. Abet, ang mag-mmass samin. Sa offering ay inoffer namin ang aming isinulat na mga prayer para sa aming mga pamilya sa basket naming inilagay. At may pinili si Sir Theo na magbabasa sa harap o lector ng kanilang sariling prayer, sila ay sina: Dixie, Erika at Alfred. Pagkatapos n gaming mass ay may baon pa kaming nakain sa loob ng bus, ang Tuna Sandwich with Jungle Juice.. Pumunta kami sa school at umuwi na J

REACTION:

Masaya naman ang aming naging recollection at madami din akong natutunan at na realized ko ang aking mga pagkakamali..

No comments:

Post a Comment